Prospero “Popoy” De Vera III, chair of the Commission on Higher Education (CHED), endorsed vice-presidential candidate Sara Duterte and five senatorial candidates in a forum held on Facebook Live last Thursday, May 5, a report to Kontra Daya has shown.
The endorsement was made as part of the sixth episode of CHED’s PILI-PinaSkolar Halalan series of voter’s education forums. The episode discussed the voter preferences of college students in the 2022 elections, culminating in De Vera’s personal endorsement of senatorial and vice presidential candidates. It was broadcast on the official Facebook page of CHED.
De Vera endorsed Duterte, the running mate of Bongbong Marcos, as well as senatorial candidates Gringo Honasan, Gilbert Teodoro, Manny Piñol, Loren Legarda, and Herbert Bautista. Teodoro and Bautista have endorsed the Marcos-Duterte tandem and are running under their UniTeam slate, while Legarda and Honasan are running as guest candidates under the UniTeam. Meanwhile, Piñol is running under the slate of Ping Lacson and Tito Sotto.
Under the Omnibus Election Code, it is illegal for government officials or other individuals to use media owned by the government for “any election campaign or for any partisan political activity”.
As of Sunday, May 8, the video has been taken down from the commission’s Facebook page. Kontra Daya, however, saved the video before its deletion and may be retrieved from Kontra Daya’s Facebook account.
Kontra Daya calls on the COMELEC the actions of De Vera for misuse and abuse of government resources during the campaign period.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=314&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fkontra.daya%2Fvideos%2F1035275117400781%2F&show_text=false&width=560&t=0" width="560" height="314" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>
Below is the transcript of the episode that shows De Vera endorsing his preferred candidates. (PDF copy)
[24:56]
Zyrile Gomez: Mga PinasSkolar tumutok po kayo hanggang sa huling bahagi ng ating episode dahil very exciting ang ating mga pag-uusapan ngayon. Ilalahad po ni Chairman de Vera ang kanyang mga napupusuang kandidato sa pagkasenador at bise presidente ngayong darating na halalan. At syempre, pakikinggan din natin ang boses ng ating mga PinaSkolar tungkol sa napupusuan nilang kandidato… [emphasis mine]
[31:47]
ZG: Ayan thank you Chair. Narinig na natin ang mga napupusuang kandidato ng ating mga PinaSkolar. Ngayon naman po, di na natin patatagalin pa, sino nga po ba ang napupusuan ninyong kandidato ngayong darating na eleksyon?
[32:00]
Popoy de Vera: OK, kasi nung previous episodes ang sabi ko ang importante ay unang una competence, ‘no? Yung mayroon kang educational background na kailangan. Meron kang experience, meron kang track record, meron kang advocacy for certain issues. So para sa akin non-negotiable yung competence. Pangalawa na nasabi natin ay character nung tao, especially the ability to make hard decisions on critical issues. Eto pong mga nilagay kong pangalan ay mga personal kong kakilala ito, in various capacities, ‘no? Yung iba nakatrabaho ko sa gabinete, tulad ni Sen. Honasan, tulad ni Manny Pinol, yung iba naman ay nakatrabaho ko dahil sila’y nakaupo sa Senado, tulad ni Loren Legarda. Yung iba ay naging estudyante ko, tulad ni Herbert. So ang aking choices dun sa mga senador ay lima muna ang aking nilista ngayong araw na ito…
[33:07]
Unang-una, doon sa aking pinili ay si Greg Honasan, si Gringo Honasan. Matagal ko na pong kilala si Sen. Gringo. Naging consultant nya ako nung 1997. That is 24 years ago, noong sya ay bata bata pang senador. Tinulungan ko po sya doon sa Congressional Commision on Agriculture tsaka Congressional Commision on Labor. Ang bilib po ako kay Greg Honasan ay malalim mag-isip, seryosong legislator, nag-aaral. Marami syang pinasang batas na ang makakapag-champion lamang nito ay ang taong de-kalidad ang kakayahan. So, ako’y talagang… naging kaibigan ko rin syang matalik over the years, at nakasama ko sa gabinete dahil DICT secretary sya under the Duterte administration. So si Gringo ho ay, alam nyo ang naging papel nya sa kasaysayan ng Pilipinas noong EDSA Revolution. Pero more than that, ang dahilan kung bakit ko sya gusto, o bakit ko sya pinipiling senador ko ay yung issue nga ng competence, experience, tsaka character. Lahat yan ay nakay Sen. Gringo Honasan.
Ang ikalawa ay si former defense secretary and congressman Gibo Teodoro. Si Gibo po ay kasama ko sa advisory board ng Philippine Air Force, yung multi-sectoral council, magkakasama ho kami roon. Kami yung group of individuals na nag-aadvise sa Philippine Air Force kung paano patatakbuhin yung kanilang strategic directions. Si Gibo po ay Bar topnotcher, number one sa Bar exams. At nung sya ay congressman, bagaman ay hindi kami malapit noon, sa mga pagkakataong kami ay nagsasama sa mga programa, ako’y talagang bilib sa lalim at galing ng kanyang isip. Naging defense secratary noong panahon ni GMA, tumakbo although hindi nanalo bilang presidente, but all throughout these years yung kanyang competence, yung kanyang character has never been questioned. So si Gibo ay para sa akin kailangang magpunta sa Senado para tumaas taas naman yung level of, you know, ano bang tawag doon? IQ, sa Senado [snickers] dahil ito ho ay talagang matalinong matalinong tao. Mga pitong taon na kaming magkasama sa advisory board ng Air Force. Piloto po yan. He’s a registered pilot, at pinakabatang naging defense secretary. So merong ibubuga, merong competence, merong experience, merong character.
Yung ikatlo, eto hindi ko alam baka hindi ninyo masyadong kilala, si Manny Pinol. Si Manny Pinol po ay dating unang agriculture secretary ni Pangulong Duterte. Nakilala ko lang ho sya noong nasa gabinete na kami. Bago noon ay ang pagkakakilala ko sa kanya ay dahil nagususulat ito sa dyaryo. Newspaperman… journalist nagsimula si Manny Pinol. Pero sya ay mula sa media, nagpunta sya sa local government, naging mayor, naging governor ng South Cotabato, at noong sya ay nasa local government, nagsimula sya ng farming. Totoo hong magsasaka ito, hindi yung kuwan lang, naghaharvest lang mga naproduce. Totoong malaki ho ang farm nya sa South Cotabato, at talagang alam nya ang agriculture inside out. Kaya sya ang pinili ni President Duterte na umupo ng agriculture secretary. At noong agriculture secretary sya, naging sikat sya dahil ipinaglaban nya yung libreng irigasyon. Pinush ho ni Manny Pinol yan, at yung kanyang solar-run irrigation system. Sya ho yung nagsisimula noon. Kaya kung ang pag-uusapan ay kakayahan, lalo na ang sa agriculture, lalo na sa local government, hindi nyo ho matatawaran ang galing ni Manny Pinol. Totoong magsasaka, malapit ang puso sa mga magsasaka, sa mga maliliit, at alam nya ang ginagawa nya. Pag sya ay naluklok sa Senado, merong magcha-champion ng mga agricultural issues sa Senado. Kasi sa Senado ngayon, pag tiningnan mo yung mga nakaupo wala hong totoong magsasaka dyan. Merong nagpapanggap na magsasaka, pero si Manny Pinol ho marunong magbungkal ng lupa yan, marunong magtanim. Yan ay, para sa akin, mahalaga sa Senado.
Yung pang-apat, di na kelangan ipaliwanag: si Loren Legarda. Kilala nyo na yan. Ang dahilan ba’t sya’y isinama ko, sya po ang naghanap ng pondo for free higher ed nung naipasa ang batas. We have to put that on record, noong nakapasa yung RA 10931, napasa ho yan August 3, 2017. Tapos na po ang budget for 2018 noong naipasa ang batas. So ang problema, pag-inimplement mo ng 2018, san ka kukuha ng pondo? So naghanap yung House at Senate ng mga pondong di nagagastos ng iba’t-ibang mga ahensya. Sa Senado, ang chairman ng Committee on Finance ay si Loren, ang chairman naman ng Committee on Appropriations sa House ay si Karlo Nograles. Silang dalawa po ang naghanap ng pondo para sa free higher ed. But the year before that, nung 2017, nung ginagawa yung budget for 2017, si Loren po ang isa dun sa nakahanap ng 8 billion pesos na hindi nagagastos ng mga ahensya. Parang unappropriated funds. Nilagay ho yan sa budget ng CHED, for budget year 2017, para masimulan ang free higher ed kahit di pa naipapasa ang batas. Si Sen. Loren ho ang… hindi ho alam ng marami yan, yung kanyang naging papel sa paghanap ng pondo para free higher ed. Sya din ay author, one of the authors ng free higher ed. Kung gusto nating masiguro ang pagpapatuloy ng free higher ed, lalo na yung funding, asahan natin si Loren Legarda, dating incumbent na senador, naging congressman, at ngayon ay babalik sa Senado. I vouch for her championing free higher education, dahil tulad ng sabi natin previously, may track record na, may nagawa na, hindi nangangako lang. Mayroon nang pinakitang suporta sa free higher ed.
At yung panghuli na napupusuan natin sa session na ito ay si Herber Bautista. Si Herbert po ay naging estudyante ko sa NCPAG. Kumuha sya ng Masters in Public Administration. Natapos nya ang MPA. Natapos rin nya ang Masters in National Security Administration. So sya ay Lieutenant Colonel sa reserve, e hindi ho basta basta nakakatapos ng MPA at MNSA ang mga pulitiko. So academic-wise, he is more than prepared. Nagpi-PhD ho yan sa political science sa UP. So academic-wise, academic credentials, solid yung kanyang academic credentials. Nakasama ko rin ho sa peace talks, dahil pareho kaming adviser ng Philippine panel doon sa negotiations with the National Democratic Front at New People’s Army dun sa Europe, noong 2016 until 2017. Pero siguro ang gusto ko kay Mayor Herbert ay dahil naging three times na mayor ng Quezon City. Alam po nya kung ano ang pangangailangan ng mga estudyante sa education, alam nya yung pulso ng taumbayan, kaya’t sigurado ako na competence-wise he will make a good senator.
So yan yung aking limang napili, na kung ako ang tatanungin dapat sila ay nasa Senado. Competence especially academic background, experience, advocacy, at yung kanilang track record. Nandyan na po lahat dito sa limang ito, limang senador na aking napupusuan.
[42:30]
Ngayon, vice-president naman. Eto e from the start, eto ay talagang, ito na ang napupusuan ko: si Mayor Sara Duterte. Kilala kong personal dahil nakipagtulungan ang CHED at si Mayor Sara nung sya ay mayor ng Davao para bigyan ng scholarship program yung mga estudyante sa Davao. So… tawag dito… meron na syang track record. Pero para sa akin, ang pinakamahalagang dahilan kung bakit si Mayor Sara ang vice president ko, dahil ang commitment nyang ipagpatuloy ang mga programa ng kanyang tatay. Yun po, at kasama dyan ang free higher education. Hindi po alam ng marami, nung iniisip palang yung free higher ed, isang dahilan kung bakit si President Duterte ay gusto ang free higher ed kasi nung mayor sya ng Davao, in-implement nya ang pinaka-comprehensive na scholarship program para sa mga kabataan sa Davao. At naalala ko noong ako’y bagong appoint na commissioner ng CHED, yun ang sabi ng Office of the President, baka pwede yung ginagawa ni Mayor Duterte sa Davao, kaya ba nating iimplement ito nationwide? So yan po ang dahilan, from the start alam ko yung commitment nya for higher ed. Pero hindi rin natin matatawaran ang competence, ‘no? Abogado po si Mayor Sara, dalawang beses nang naging mayor, ang pagpapatakbo nya ng Davao ay maganda, at yung kanyang pag-implement nung scholarship sa Davao ay very extensive. Kung hindi ako nag-kakamali, ang pinagtulungan namin sa Davao na bigyan ng tulong ang napakaraming bata ay I think more than two thousand scholars ang tinulungan ng city government ng Davao.
So yan yung aking mga napili na sa aking palagay ipaglalaban ang free higher ed, ipagpapatuloy yung mga reporma sa edukasyon, at yung mga iyan ay magiging boses ng mga kabataan sa Senado, at sa vice-president.
ZG: Ayan, thank you Chairman for sharing yung inyong mga napupusuang kandidato. Nakikita po natin dito sa limang ibobotong senador at bise-presidente, sila po ay pasok sa criteria ni Chairman na may character, competence, at experience o may track record at may napatunayan na.
[45:19]
…
[53:14]
ZG: Nagbabalik po ang ating sixth episode ng PiliPinaSkolar Halalan 2022, at ngayon naman po ay dumako tayo sa ating mga… sa ating question and answer portion na sasagutin po ni CHED Chairman Popoy de Vera.
Para po sa ating first question, flash po natin. Para po kay Daniel Aspera, ano po ang nakita nyong lamang ni Mayor Inday Sara Duterte kay Kiko Pangilinan. E mayor palang po sya at si Sen. Kiko ay may experience na po sa Senado.
PDV: Ang sabi ko kaninang batayan, yung non-negotiables sa akin, ay yung magpapatuloy ng programa ni President Duterte sa free higher ed. Yun ang number one na batayan ko, kasi di ba mula itong PiliPinaSkolar, yan ang sinasabi natin, how do we protect the gains of the free higher education, how do we ensure na magpapatuloy ito? Narinig ko na ho deretso, sinabi na ni Mayor Sara ang pagpapatuloy ng programa ng kanyang pangulo. Hindi ko po narinig kay Senator Pangilinan yan. Wala syang pagpapaliwanag kung anong gagawin sa free higher education. Yun ho ang aking batayan ng pagpili. Pangalawa, nagpapatakbo ho ng napakalaking scholarship program para sa kabataan si Mayor Sara sa Davao. Alam ko po yan dahil tinutulungan sya ng CHED, kaya’t mayroon syang track record. Hindi naman po kasi kailangangang maging senador para magpatakbo ng free higher ed. Pwede rin po itong patakbuhin ng local governments, at yan po ang ginagawa ni Mayor Sara throughout her term, throughout her previous term, and previously under the term of President Duterte.
ZG: Thank you Chair and thank you kay Daniel Aspera for that question. Next question po, sir makakasigurado po ba kayo na ipagpapatuloy ni Sara Duterte ang free higher ed at TES kung sya ay mananalo?
PDV: Sinabi na po nya yan, na yung programs ng adminstrasyon na ito ay ipagpapatuloy nya. Dineclare na po yan ni Mayor Sara, at sabi ko nga, mayroong track record sya sa Davao sa pagpapatakbo ng scholarship programs. In fact yun hong bagong binuksan na medical scholarship ng University of Southeastern Philippines ay ang isang batayan nila ay kukunin nila ang mga scholar ng Davao City, yun ang tatanggapin nilang freshman sa College of Medicine. So, malawak ho yung mga scholarship programs na pinatatakbo ni Mayor Sara bago nung free higher ed at hanggang ngayon, yung huling huling project ho na tinulungan natin si Mayor Sara, yun hong mga anak ng apektadong driver, kasi nagmo-modernize sila ng transportation sa Davao, gagamitin nila mga bus imbes na jeep, yung mga affected na drivers binigyan ho ng scholarship ang kanilang mga anak ng city government. So kung kaya nyang gawin yan sa Davao, kung pinagpatuloy nyang gawin yan over the years, at nagsabi sya na ipagpapatuloy nya ang mga programa ng kanyang tatay, ay yaan ay nakakasiguro tayo na magpapatuloy ang free higher education.
[56:55]