Iba’t ibang problema ang kinaharap ng mga botante sa Cavite sa pagsisimula ng botohan ngayong araw.

 

Sira ang PCOS machine sa Napico Elementary School, clustered precinct 232, Barangay Manggahan, Pasig. Ayon sa ulat na tinanggap ng Kontra Daya, dalawang beses bago basahin ng makina ang mga balota at ang Board of Election Inspector (BEI) na ang nagpapasok ng mga iniluluwang balota.

 

Sa precinct number 155 in Saint Alphonsus Liguori Integrated School, Barangay Molino, Bacoor, Cavite, panandaliang inihinto ng BEI ang botohan matapos iluwa ng PCOS machine ang ilang mga balota.

 

Samantala, sa harap pa mismo ng San Francisco Elementary School sa Gen. Trias, Cavite, namimigay diuamon ng polyeto ang mga tagasuporta ni Gen Gen Arayata, tumatakbo bilang konsehal ng ikaanim na distrito ng Cavite mula sa Partido Liberal (LP). Wala namang UV scanner na binigay sa Board of Election Inspectors (BEIs) sa cluster precinct 100 ng nasabing paaralan.