Dahil sa kakulangan ng kaalaman kung paano i-set up ang makina, naantala ang final testing and sealing (FTS) ng mga PCOS machine sa Diosdado P. Macapagal Elementary School sa Tatalon, Quezon City. Lumipas ang isang oras pero wala pa ring nakakapag-ayos ng mga PCOS machine sa walo nitong presinto. Nang magsimula na ang FTS, inulat ng mga guro na hindi binibilang ang balota kapag pinapasok ang papel sa machine. Nagkaroon din ng kalituhan sa takdang presinto ng mga guro.

 

Samantala, packing tape lang ang ginagamit ng mga guro ng Ramon Magsaysay Cubao High School sa Quezon City bilang seal ng printer at memory slot ng mga PCOS machine nito. Idinagdag nila na paper seal na lamang ang kanilang gagamitin sa kahon na paglalagyan ng mga PCOS.

 

Sa Munti Elementary School, sumalang ang 21 na PCOS Machine sa iba’t-ibang presinto. May isang kaso ng ilang beses ng pag-restart ng PCOS  pero ayaw pa ring gumana. Di umano ang lumalabas sa screen ay “problem detected with memory card”.