Sa ulat na tinipon ng grupong Courage, isang pambansang organisasyon ng mga kawani ng pamahalaan, iba’t ibang problema sa botohan ang naitala sa mga presinto sa Metro Manila:

 

  1. Nasira ang PCOS machine sa :
    1. precinct number 1793asa brgy Macario Asistio HighSchool, Caloocan.
    2. Precinct number 3286 – 4196 ng St. Michael School Citihomes Subd, Molino, Bacoor Cavite
    3. Precinct number 0867 ng CAMARIN cluster group 238 bldgC, rm19
    4. Paper jam at thermal paper error sa brgy NBBS, Navotas
    5. Dalawang beses na nagloloko ang PCOS machine sa cluster499
    6. Paper jam sa PCOS sa precinct number 714, 651 at 194 sa Potrero, Malabon
    7. Sa Tenejeros, Malabon niluluwa ang balota 599a-600a
    8. Sa precinct #577a  Acacia, Malabon nag ON at OFF ang Pcos Machine
    9. Sa cluster94 ng Northbay, Lichangco, NBBN, Navotas isang PCOS lang ang gumagana para sa 7presinto, hanggang ngayon sira pa rin ang 6 na PCOS

 

Sa Pasig City, naranasan ang mahabang pila sa Precinct 1181-d, brgy. Rosario, na umabot sa 60 katao kaninang 10:30 ng umaga.

 

Samantala, naantala ang botohan sa mga sumusunod na barangay. 7:30 na ng umaga, di pa rin nag uumpisa ang botohan sa Brgy. Maahas, Los Banos, Laguna gayon na rin sa iba’t ibang probinsya ng Region 12.